Querna Dose: Isang Pagsusuri

“Alam mo ba kung bakit nakaunat ang mga braso natin kapag may yayakaping tao?”
Ito ang tanong na nais sagutin ni Bb. Celine Gano sa kanyang unang nobela – ang Querna Dose. Ikaw? Alam mo ba? Kung hindi pa, you should be reading this book.  Querna Dose is a tale of friendship, faith, forgiveness and redemption.  

via https://www.facebook.com/quernadose
Synopsis:
STA. MONICA, ROMBLON. MADALING ARAW. MAY NANGUMPISAL KAY FATHER ART…
Sa Bilibid ang bagsak ng kura-paroko na si Father Art dahil lang sa isang pagkakamali—ang magpadala sa takot at magbingi-bingihan sa isang pinaplanong krimeng naikumpisal sa kanya.

Sa Bilibid, makikilala ni Father Art si Paeng, isang kagaya niya na hinihigop ng walang-awang sistema ang natitirang kabutihan sa katawan. Pero dadalhin sila sa magkaibang direksyon ng mga gagawin nilang desisyon—si Father Art sa bagong buhay, si Paeng sa delikadong mundo ng droga.

Ngayon, isang hamon muli para kay Father Art: magbibingi-bingihan na naman ba at magpapadala sa takot o tutugon sa tawag ng konsyensya at gagamitin ang bagong-natagpuang lakas para mailigtas si Paeng sa kapahamakan?

Ang Querna Dose (Prison Cell Number 12) ay kwento ng pagpapatawad, pagtanggap, at pagbabago. Sasagutin din nito ang tanong na “Bakit nga ba nakaunat ang mga braso ‘pag yayakap tayo?”


My Thoughts on Querna Dose
How far would you go to save someone? Handa ka bang gawin ang lahat para sa iba? O mananatili kang bulag at bingi sa mga pangyayari sa iyong paligid? 

Ito ang mga katanungang nais sagutin o bigyan ng liwanag ng nobelang Querna Dose sa pamamagitan ng mga interesanteng karakter sa istorya. At first glance, the plot seems something you’ve read and watched so many times. But Querna Dose is nothing like your typical “good guy makes mistake and redeems himself” kind of story. 

The circumstances that brought the protagonist to where he is in the story is what makes it interesting, and the dialogues in the story between himself and the people around him will draw you in and would keep you turning the page.

Celine Gano spins a tale of redemption in a way that is so ordinary that you find the character relatable, albeit different circumstances. Ilang beses ba nating kinausap ang ating sarili ng nag-iisa? Sigurado akong naranasan mo na din na di patulugin ng iyong konsensya dahil sa isang desisyong iyong ginawa (o di ginawa tulad ni Father Art). 

 Hindi nga naman madali ang magdesisyon. Madalas mas ninanais natin manahimik na lang upang makaiwas sa gulo o responsibilidad. Ika nga nila nagbubulag-bulagan o nagbibingi-bingihan. Celine captures these moments perfectly well and puts them on paper. She throws insurmountable circumstances at her characters, and make you feel all the anguish and frustration as the plot thickens. 

Conclusion:
Ok. I think I’ve said enough, though no spoilers have been given so hurray for that. Anyway, Querna Dose is a well-written novel by Celine Gano that makes you question your actions and rethink your decisions in life. This is one novel that’s definitely worth your time and money. 

And to give you a glimpse of what Querna Dose is all about, check out the trailer here: https://www.facebook.com/quernadose/videos/vb.1240963859251961/1281527855195561/?type=2&theater.
Next PostNewer Post Previous PostOlder Post Home