Panic Attack


Nakaranas ka na ba ng panic attack? 'Yung feeling mo halos sasabog ang puso mo sa kaba, sa sakit at sa takot? Naramdaman mo na ba kung gaano kahirap ang ngumiti at maging masaya sa kabila ng sakit na nararanasan mo? Alam mo ba ang pakiramdam nung parang gumuho ang mundo mo?
Nasubukan mo na bang pigilan ang luha sa pagpatak sa iyong mga mata? Mahirap dba? Naisip mo ba kung gaano kaplastik ng mga ngiti at tawa mo? Marahil sa mga nakakarinig, napakasaya at napakatatag mo. Pero alam natin ang katotohanan, hindi ba?

Naranasanan mo na bang magising sa kalagitnaan ng gabi dahil sa masamang panaginip? Sinubukan ba ng mga mata mo ang maghanap ng pamilyar na mukha sa isang mataong lugar? Pinilit mo 'din ba ang sarili mo tanggapin na wala na talaga? Umiyak ka din ba?

Ninais mo din bang sumigaw at magwala para tuluyan ng maglaho ang sakit na nararamdam mo? Ginusto mo bang saktan ang iyong katawan sa pagbabasakaling sa pamamagitan nito ay maibsan ang sakit sa puso mo? Naimagine mo ba ang unti-unting paglaya ng lahat ng sakit at pait kasabay ng pagdaloy ng dugo mula sa iyong mga sugat?

Sabihin mo sa akin, naiintindihan mo ba ako? Kausapin mo naman ako. Maaari ba? Naririnig mo ba ako? I know, I know... Hindi ka sanay na ganito ako pero sana naman ay pagbigyan mo ako. Pangako ko hindi ko sasayangin oras mo. Pero kung ayaw mo, maiintindihan ko... Hindi kita pipilitin. Naiintindihan ko... pero sana ay maintindihan mo din ako. Kahit ngayon lang, kahit isang saglit lang. Sana.. Sana...
Next PostNewer Post Previous PostOlder Post Home